Nagkamit ng bronze medal para sa Pilipinas si Carlos Alvarez sa men’s traditional -77kg MMA division ng 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Nagtapos sa semifinals ang kampanya ni Alvarez matapos siyang talunin ni Yerkingali Burkutalin ng Kazakhstan dahilan upang masungkit niya ang tansong medalya.
Bago ang semifinals, nakakuha muna si Alvarez ng puwesto sa final four matapos pataubin via knockout si Ananda Wahyu Setyo ng Indonesia sa quarterfinals.
Dahil dito, nakasiguro ang Philippine team ng dagdag medalya sa kompetisyon.
Hindi man umabot sa gold medal match, sinabi ni Alvarez na nanatiling malaking inspirasyon at motibasyon sa kanyang buong kampanya ang pagkakataong katawanin ang Pilipinas sa Asian Games. (IS)


