Hindi lang proud kundi gulat na gulat si Andrew E sa kanyang panganay na si Andrew Fordy Espiritu na may rap name na MC Fordy.
Sa launching ng latest rap single ni MC Fordy na “Hukom” na ginanap sa QU Poblacion nitong linggo, ipinamalas nito ang husay sa pagra-rap na kakaiba sa style ni Andrew E.
Maliban sa malalim ang rap music ng single ni MC Fordy, nagagawa rin nitong mag-rap ng mabilis.
Tila tumiklop si Andrew sa harap ng ibang mga rappers ipinangalandakan nitong mas mahusay raw ang anak kaysa sa kanya,
“Hindi ko kaya ang ginagawa ng anak ko. Ang galing mo MC Fordy!”
Kilala sa mga novelty, naugthy rap son si Andrew E. na sya namang nagpatibay sa kanya bilang nanatiling in-demand Pinoy Rap Icon hindi lang dito sa Pinas kundi sa mga live concerts abroad.
Ipinaliwanag naman ni MC Fordy kung bakit pinuri sya ng daddy nya at sinabing mas magaling sya kaysa sa kanya.
“Ang ini-imply po ni Daddy ay yung generation kasi po namin is different sa style of music nya. Kumbaga naga-adapt lang ako sa mga local rap scene din po. Almost the same naman sya almost in terms of technicalities. Iba na rin kasi yung impromptu speech and literacism nya o literasismo nya. Masasabi kong magkaiba po kami ng style.”
Giit ni MC Fordy, iba pa rin ang galing ng kanyang Daddy Andrew E.
Halos mapuno ang bar ng mga iba’t ibang Pinoy rapper sa dami ng mga sumuporta sa launch at nagsisigawan sa paghanga kay MC Fordy.
At siyempre, present din ang Mommy ni MC Fordy na si Mylene Yap- Espiritu at ang kapatid nyang dalaga na si Jassley.
Patikim pa lang ang single na ito sa marami pang sinulat ni MC Fordy sa lalabas isa-isa sa taong ito at 2027. (Rey Pumaloy)


