Daring ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang latest ad promotion poster para sa isang denim brand. Dito’y makikitang nahubaran na siya halos ng suot na pantalon, kaya naman bumuyangyang ang kanyang underwear o panty.
Wala na ngang takot na magpakita ng ‘flesh” itong si Kathryn, huh! Nag-apoy naman ang damdamin ng mga netizen sa poster niyang iyon.
“Ughhhh kathreng [flame emoji]. Yasss gurl ipakita mo sino ka.”
“Too hot to handle.”
“Oh yessss! She ate and left no crumbs!!!”
May isa pa na nagsabing ang suwerte naman ng rumored boyfriend ngayon ng aktres, na si Mayor Mark Alcala. Konektado rin kasi ang ad campaign na iyon sa pangalan nito, na “The Benchmark”.
“Mayor @markalcala10 jusko ang swerte mo,” komento ng isang netizen.
May nilaro rin ang kakaibang posing doon ni Kathryn.
“Ganyan pala dapat. Ang hirap namang gayahin.”
“Ganito pala magsuot ng pantalon! Pls take note!”
Inaabangan na rin ng mga ito kung maipapaskil ito sa kahabaan ng EDSA bilang billboard.
Kung nagkataon, magkaka-trapik siguro dahil hindi maiiwasang mapalingon sa ad poster na iyon ni Kathryn. (Jun Lopez)


