Pinabulaanan ni Edu Manzano ang kumakalat na pahayag kaugnay ng umano’y mga nagtatanggol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may kalakip na larawan at pangalan niya.
Sa isang social media post nitong Miyerkoles, sinabi ni Manzano na peke at hindi niya kailanman sinabi ang pahayag na, “Dalawang klase lang ang nagtatanggol kay BBM: Isang may bayad at isang may sayad. Alin ka diyan?”
“Someone used my photo and name to manufacture a statement and falsely attribute it to me. Let me be clear… I discuss issues and when necessary the personalities responsible for them. But I speak in my own words. I do not need anyone inventing statements on my behalf,” ani Manzano.
“Criticize me for what I actually say. Challenge my views if you disagree. But fabricating quotes is not criticism. It is deception,” dagdag niya.
Hinimok din niya ang publiko na huwag i-share ang kalakip na poster maliban kung tutukuyin itong fake news. (AC)


