Napamura sa kanyang social media post si sexy star Ayanna Misola. Iritable kasi siya na puro mga matatanda umano ang nanlalandi, nagme-message sa kanya.
“Bat ang daming matandang malandi [LOL emoji]. Nakaka irita na puro matatanda nagm message sakin punyeta kayo,” post ni Ayanna sa Threads account niya nitong Setyembre 14.
Binanatan pa niya ang mga kalalakihang lumaki noong dekada 90.
“90s people be like ‘grabe na talaga mga kabataan ngayon’ meanwhile, mga ka edad nila nag groom sa mga bata. Di naman nila yan matututunan kung di nyo sinasanay. Kairita,” dagdag pa ng 24-anyos na sexy star.
Hindi umano siya papatol sa gurang dahil hindi siya naghahanap ng asukal de papa, at delikado pa siya kung magkataon sa mga ganito.
“Go get someone your age. This girl ain’t looking for a sugar daddy. Also, how would you trust a person who’s actually cheating on his own beloved wife lol!
“Orrr if single ka man, the question is, bakit single ka padin? You have all the years lol! Ano kayang thought process nila,” nagtataka pang say ni Ayanna.
Puno nga raw ng indecent proposal mula sa mga tanders ang kanyang chat box. Kaya using this platform, umaasa ang VMX star na lulubayan na siya ng mga ito. (Jun Lopez)


