Pinasok ng magnanakaw ang bahay ng isang retiradong judge sa Pandacan, Maynila nitong Linggo ng gabi, Setyembre 13.
Ayon sa report ng journalist na si Jessie Cruzat sa ABS-CBN News, dumaan umano ang suspek sa isang abandonadong bahay para makapasok sa bahay ng biktima.
Ninakaw umano ng suspek ang isang .38 kalibreng baril at mga bala na pag-aari ng retiradong hukom.
Kinabukasan ay naaresto rin ang suspek sa bahay ng kanyang kaibigan. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong robbery.
Samantala, narekober din ng mga pulis ang ninakaw na baril.


