Grabe ‘yun! Talaga nga namang umagaw ng eksena ang well-toned abs ni Atasha Muhlach sa finale ng isang body fitness competition.
Jaw-dropping ang pictures at photos na kuha kay Atasha sa pagdalo nito sa “Century Tuna Superbods 2026”.
“The star power just hit another level.
“Anne Curtis, Atasha Muhlach, and Alice Dixson are taking the stage alongside our finalists—and Finals Night just got even more unforgettable,” caption pa ng event organizer nitong Setyembre 11.
Hinangaan ng mga netizen at napuno ng flame/slay emoji ang pa-abs ng anak nina Charlene Gonzales at Aga Muhlach.
“Omg Atasha.” “Atasha!!!! abs!!!”
“Wow. Ganda nang abs ni Atasha.”
“Drop dead toned abs!”
Ang parang imposibleng ma-achieve na plakadong abs o pa-pandesal, nagawa at ibinida ni Atasha.
At nararapat lang talagang i-flex, i-display ang bunga ng iyong pagsisikap at disiplina sa katawan. (Jun Lopez)


