WebClick Tracer

Robb Guinto pikit-matang sumubo, kumain ng ‘balls’

Literal na napasubo ang sexy star na si Robb Guinto sa guesting niya sa isang food magazine show. First time kasi niyang makatikim ng ari ng baka na niluto, na kung tawagin ay bat and ball beans.

Noong una ay sinabi na nila, with Sugar Mercado and Hershey Neri, na wala silang hinihindian pagdating sa pagkain. Ngunit nang ipakita na ni Chef JR Royol ang hindi pa lutong ari ng baka, halatang kinabahan ang mga ito.

First time daw kasi nila na nakakita at kakain nito.

“Hindi ba siya mapait?” curious na tanong ni Robb kay Chef Royol.

“It’s for you guys to discover,” sagot naman nito, at niluto na ang exotic food na bat and ball beans.

“Naamoy ko siya, parang ang bango,” impression naman ng sexy star nang maluto at ihain na ito sa harapan nila.

Pero, nu’ng tininidor na ni Chef Royol ang mahabang parte ng baka, napatili si Robb.

“Bakit ganu’n ‘yung hitsura niya?! Ayy! Oh my God!” wika ng sexy star.

Sinabihan pa nga si Robb na kailangang ubusin nila ang nilagay na pagkain na iyon sa bowl nila, pero parang hindi nito kaya.

Maya-maya pa, pikit-mata na nitong tinikman at sinubo ang ball and ball bean, na ari nga ng baka.

Pinagpawisan ito ng malagkit, at naiyak pa nga sa experience niyang iyon, na pagkain ng ari ng baka.

“Ganyan kasarap ang bat and ball beans. Nakakaiyak! Hahaha!” wika naman ng chef.

Well, sumagot naman ng yes si Robb nang tanungin siya kung aprub ito sa kanya, kaya mission accomplished siya sa pagkain ng ari ng baka. (Jun Lopez)