Naispatang umalis ng bansa ang magkapatid na sina Senators Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano.
Kinumpirma ng source ng Abante ang pag-alis ng bansa ng mag-utol.
Samantala, ayon naman sa source ni BNC host Jesus Falcis, nakita si Cayetano sa NAIA Terminal 3 para sa isang international flight patungong Singapore.
Dagdag pa raw ng source, kanina lang ng bandang alas-6:10 ng gabi, Setyembre 9, kuha ang mga larawan ni Sen. Alan Peter na nasa airport, na ibinahagi ni Falcis sa kanyang Facebook account.
“I googled to check the details sa boarding call and it says may Singapore Airlines SQ921 today that departed at 6:35pm. Route: Manila (MNL) Terminal 3 to Singapore Changi Airport (SIN) Terminal 2,” pahayag ni Falcis.
“Kung totoo man eto, baka short vacation lang eto. Baka naman babalik. Baka naman walang kinalaman eto sa ikakaso ng NBI this week about the 2019 SEA Games / PHISGOC,” dagdag niya.


