WebClick Tracer

Mag-utol na Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano naispatang umalis ng bansa

Kumpirmado na lumabas ng bansa sina Senador Alan Peter Cayetano at Senadora Pia Cayetano nang makita ang dalawa sa NAIA Terminal 3 nitong Setyembre 9 ng hapon.

Sa impormasyon, nakita si Senador Alan habang papasok sa Gate 109 ng NAIA Terminal 3, na kung saan dito makikita rin sa larawan ang TV flight monitor screen information na kung saan posibleng sasakay siya sa flight via Singapore Airlines Flight SQ921.

Makikita rin sa larawan na may mga kapwa pasahero na napakuha pa ng larawan bago pumasok sa Gate 109 at makikitang last passengers to board sila dahil sa announcement sa TV monitor passengers final call.

Si Senadora Pia hindi makikita sa larawan ngunit nakita siya ng mga kawani ng paliparan habang nasa check in counter ng Terminal 3.

Ayon sa airport authority, walang dahilan upang sila’y harangin dahil wala naman silang mga kasong kinakaharap sa ngayon.