Naispatan umanong umalis ng bansa si Senador Alan Peter Cayetano.
Ayon umano sa source ni BNC host Jesus Falcis, nakita si Cayetano sa NAIA Terminal 3 para sa isang international flight patungong Singapore.
Dagdag pa raw ng source, kanina lang ng bandang alas-6:10 ng gabi, Setyembre 9, kuha ang mga larawan ni Cayetano na nasa airport, na kanyang ibinahagi sa kanyang Facebook account.
“I googled to check the details sa boarding call and it says may Singapore Airlines SQ921 today that departed at 6:35pm.
Route: Manila (MNL) Terminal 3 to Singapore Changi Airport (SIN) Terminal 2,” pahayag ni Falcis.
“Kung totoo man eto, baka short vacation lang eto. Baka naman babalik. Baka naman walang kinalaman eto sa ikakaso ng NBI this week about the 2019 SEA Games / PHISGOC,” dagdag niya.
Samantala, kinumpirma ng source ng Abante na parehong umalis ng bansa si Sen. Alan Peter at ang kapatid niyang si Sen. Pia Cayetano.


