WebClick Tracer

Napaka-epal! Faith da Silva ‘di agad bumibigay

Ibang klaseng katatagan ang ipinakita ng aktres na si Faith da Silva. Pinagbabato na siya ng kung ano-anong bagay gaya ng mga damit, kahon, silya, napkin, adhesive bra, tinamaan pa ng tsinelas sa mukha, ngunit hindi ito natinag.

“Sige pa kahit ano pa yan,” caption ni Faith sa kanyang Facebook post nitong Setyembre 3. Unbothered na kumakanta ng “Walang Iba” ng Ezra Band ang aktres, kahit na tumitilapon sa kanyang pagmumukha ang kung ano-anong bagay.

Tinamaan nga siya ng tsinelas sa mukha, ngunit hindi talaga siya napangiwi sa sakit, huh!

Well, forda content lang naman kasi ‘yun, kaya naman aliw na aliw ang mga follower ng epal ng “Encantadia” na si Flammara. Lalo na sa adhesive bra, na dumikit sa kanyang dibdib matapos ibato sa kanya. Hahaha!

“Te ano link ng adhesive bra na yan madikit eh.”

“Ramdam ko yung tsinelas sa mukha [LOL emoji].”

“Pinaka magandang epal hahahah cute mo ateng.”

“Grabe yung lumipad na upuan hahahaha.”

“Sino kaya Yung taga bato parang may gigil e.”

Strong. Resilient. Face card never declines, anumang ibato ninyo sa kanya. Iyan ang nais patunayan ni Faith. (Jun Lopez)