WebClick Tracer

‘Pilandok’ inaasahang lalabas na ng PAR

Bahagyang bumilis ang Bagyong Pilandok at inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Huwebes, Setyembre 3.

Ayon sa PAGASA, taglay ng tropical storm ang lakas na 75 kph at pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Walang nakataas na wind signal sa bansa, ngunit magdudulot pa rin ang habagat ng malalakas hanggang gale-force na hangin sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Inaasahan din ang malalakas na pag-ulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

Nananatili rin ang gale warning sa hilaga at kanlurang baybayin ng Northern Luzon. (AM)