WebClick Tracer

Pagpapaopera sa kaliwang tuhod ipinaubaya ng doktor kay Jinggoy

Ipinaubaya umano ng doktor ni Senador Jinggoy Estrada sa kanya ang desisyon kung sasailalim ito sa operasyon para sa kanyang kaliwang tuhod.

Ito ang sinabi ni Estrada sa panayam sa media matapos ang kanyang pagharap sa Sandiganbayan nitong Huwebes, Setyembre 3. Nakasaklay naman ang senador nang dumating kasunod ng umano’y punit sa kanyang kaliwang tuhod.

“Okay lang. According to my doctor, it’s up to me if I want the surgery on my left knee,” ani Estrada nang tanungin tungkol sa kanyang lagay.

Muli rin niyang iginiit na gagawin niya ang lahat ng legal na hakbang matapos pagbigyan ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ng Ombudsman na alisin si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan bilang kapwa-akusado niya sa kasong plunder at graft.

“We will exhaust all legal remedies available to us. As advised by my lawyers,” sabi ni Estrada. (AC)