Hindi lang fuel subsidy ang hatid ng Valenzuela City sa mga namamasadang nalusong sa baha, may dagdag na proteksyon din para sa kanilang kalusugan.
Naghatid ang City Health Office ng libreng medical check-up para sa mga drivers na maaaring na-expose sa baha, kasama ang libreng doxycycline bilang laban sa leptospirosis, matapos ang assessment ng doktor.
Layunin ng programa na maagapan ang posibleng panganib sa kalusugan ng mga drivers na patuloy na bumibiyahe at nagtatrabaho kahit may pagbaha.
Paalala ng health officials, mahalagang magpatingin muna sa health personnel bago uminom ng doxycycline at huwag itong basta-basta inumin nang walang medical assessment. (Cherk Balagtas)


