Kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Bilyonaryo News Channel na walang natagpuang bangkay sa loob ng naiahong SUV sa Tarlac River.
Matatandaang nahulog ang sasakyan nang bumigay ang bahagi ng Agana Bridge sa kasagsagan ng pag-ulan noong Sabado ng gabi, Agosto 29.
Ayon sa ulat ni Ivy Reyes ng BNC, dalawa pa sa limang sakay ng SUV ang patuloy na hinahanap ng mga awtoridad.
Isang sakay ang nakaligtas habang dalawa ang nasawi. (IS)


