Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ilang dekada nang mayroong flood control master plan ang bansa ngunit hindi umano naisagawa.
Inihayag ito ni Marcos matapos niyang inspeksiyunin ang mga nasirang Aquino at Agana bridges sa Tarlac City nitong Miyerkoles, Setyembre 2, kasunod ng malawakang pagbaha na dulot ng habagat.
Sa isang ambush interview sa Agana Bridge sa Barangay San Isidro, sinabi ng Pangulo na ang kanyang administrasyon ang nagsasagawa ngayon ng mga hakbang upang maipatupad ang naturang flood control strategy.
“We are only executing it now. We have had a master plan for decades, but walang ginawa,” pahayag ni Marcos sa mga reporter.
“Hanggang ngayon lang. Ngayon lang natin sinisimulan,” dagdag niya. (IS)


