Bagong musical era ang sasalubong sa mga faney ni Miley Cyrus matapos niyang ianunsiyo ang kanyang 10th studio album na “Bass Persuades.”
Ipinakita ni Miley nitong Martes ang artwork ng kanyang bagong album at kinumpirma na ilalabas ito sa September 18 sa ilalim ng Atlantic Records.
Nagulat din ang kanyang fans nang alisin niya ang apelyidong “Cyrus” sa kanyang social media handle, na tila hudyat ng panibagong direksiyon sa kanyang music career.
Sa isang post online, ipinaliwanag ng singer kung ano ang kahulugan sa kanya ng title na Bass Persuades.
“Music takes hold of us. We feel it, sing it, sometimes dance to it, let it out and carry on. It is powerful, vulnerable, sweet and strong.
“Heart full, heartache, every part of life in between. That’s what the title means to me,” saad niya.
“Thank you for being a part of making my wildest dreams come true. I sincerely hope you love this album. ❤️ Miley,” dagdag niya. (IS)


