Sa totoo lang, parang beterana na si Mika Salamanca umarte, ha! Eh kasi nga, bagay na bagay sa kanya ang papel niya bilang isang babae na may reputasyon na pokpok, ha!
Puwede mo ring isipin sa simula na baka transgender ang role niya sa ‘Saving Cherry’ dahil may mga moment na baklang-bakla siya, na parang mas beki pa siya sa tunay na beki na tulad ni Sassa Gurl, na paandar rin ang mga eksena, ha!
I’m sure, aliw na aliw si Will Ashley habang pinanonood ang mga eksena ni Mika, na punong-puno nga ng kalandian, ha!
“Nagpapasalamat po ako sa mga kasama ako, sa director ko, si Direk Ivan Andrew Payawal, dahil hindi naman siguro magiging ganun ang resulta o magiging akting ko kung hindi sila ang kasama ko,” sabi ni Mika.
Pero, ano ba ang reaksiyon niya habang pinanonood niya ang sarili niya?
“Hahahaha! Ang tanong po, ano ang magiging reaksiyon ng mga magulang ko kapag napanood nila itong ‘Saving Cherry’! Nasa abroad sila,” sabi ni Mika.
Masaya naman si Mika sa suportang pinakita ni Will, na maaga ngang dumating sa premiere night, at hinintay rin talaga si Mika hanggang sa matapos ang pelikula, premiere night.
“Sobrang supportive po talaga siya. Even `yung mga kasama namin sa PBB before, like sina River Joseph, si Xyriel Manabat, dumating po sila. Kaya sobrang natuwa ako!” sabi ni Mika.
Ano kaya sa tingin niya ang reaksiyon ni Will sa mga eksena niya? Sa tingin ba niya ay nag-worry ito sa mga ginawa niya?
“Hindi naman. Bakit naman siya magwu-worry, eh, artista rin naman siya. At proud po siya talaga.
“Actually, humingi rin ako ng ibang lesson sa kanya o mga tip, sa kung paano ba atakehin `yon, kasi alam naman natin na napakagaling niyang artista.
“Hindi lang po `yung tungkol sa washing machine! Hahahaha!” natatawang chika pa ni Mika.
Yes, malaki nga ang eksena ng washing machine sa ‘Saving Cherry’ na dapat niyong alamin!
Kaloka! (Dondon Sermino)


