WebClick Tracer

May third party? Elijah Canlas kinumpirma na breakup nila ni Miles Ocampo

Kinumpirma na sa wakas ni Elijah Canlas ang kanilang breakup ni Miles Ocampo.

Sa interview ni Ogie Diaz, ibinahagi ni Elijah na may ilang buwan pa lamang silang hiwalay.

“As much as I’ve been trying to keep it private, siyempre we are going through it pero dahil lumalabas na ito lahat, I think it’s time for me to say na opo, totoo siya,” sey ni Elijah tungkol sa kanilang paghihiwalay ng “Eat Bulaga” host.

Pero sa kabila ng kanilang paghihiwalay, hindi na raw kailanman mawawala ang pagmamahal niya kay Miles.

“Out of respect for Miles siyempre I will always have love for her. Parang kailangang sabihin na lang din para wala na ‘yung mga speculation na mas nagpapalala pa sa pinagdaraanan ko, sa pinagdaraanan namin,” aniya.

Inamin ng aktor na masakit para sa kanya ang paghihiwalay lalo na’t wala naman silang problema ngunit napagtanto lang nila na hindi talaga sila match o compatible.

“‘Yun ‘yung masakit na part about it kasi nga we got back together thinking, ‘this is it’… binigay namin lahat, ‘yun ang masasabi ko, and we broke up mutually and very amicably. Walang hate, at least on my part,” sabi ni Elijah.

Sa huli, sinabi ni Elijah na walang kinalaman ang third party sa kanilang paghihiwalay.

“Miles would know it’s not true. People close to us would know that it’s not true. There’s no third party involved. Walang gano’n talaga, ever,” paglilinaw ni Elijah.

Matatandaang naging laman ng mga balita si Elijah matapos siyang maispatan sa La Union kasama ang singer na si Thea Astley.

Saad naman ni Elijah, magkaibigan lamang sila ni Thea.

Dagdag niya, hindi lamang daw silang dalawa ni Thea ang nasa Elyu kundi may kasama silang iba pang friends.

Tungkol naman sa nakunan daw silang magka-holding hands ni Thea, ayon kay Elijah, “Hindi ko siya hinawakan sa kamay… inurong ko lang po siya… kasi pipicturan ko sila.” (IS)