WebClick Tracer

Janine Gutierrez sumugod sa New York para panoorin si Alex Eala

Sumugod sa New York City ang aktres na si Janine Gutierrez upang panoorin nang personal ang laban ni Alex Eala sa 2026 US Open Tennis Championships.

Sa kanyang Facebook post nitong Sept. 2, ibinida ni Janine ang ilang mga larawan habang nasa loob siya ng stadium.

Nakasuot si Janine ng simpleng itim na spaghetti top at puting skirt.

Ipinakita rin niya ang malaking screen sa loob ng venue kung saan nakatampok ang profile ng Filipina tennis star.

May selfie rin si Janine habang hawak ang isang hotdog sandwich.

Ibinahagi rin niya ang kuha habang nagse-serve ng bola si Eala.

“Uuuyyy Philippines!! Alexandra Eala 4ever!!!!!!!! Thank you for the happiness and Filipino pride!!!!!” saad ni Janine sa caption.

Kaugnay nito, abante si Eala sa second round matapos talunin si American player Mary Stoiana sa iskor na 6-1, 6-2, nitong Martes ng gabi sa Louis Armstrong Stadium, na labis na ikinatuwa ng mga nanood doon. (IS)