WebClick Tracer

Higit 1,000 empleyado ng TV network sibak bago mag-Pasko?

Isang malawakang retrenchment ang ipatutupad diumano ng pamunuan ng isang TV network ngayong Setyembre 2026, na posibleng makaapekto sa mahigit 1,000 empleyado nito.

Sa PEP article na isinulat ni Jojo Gabinete, sinabing ang pagtitipid at pagbabawas umano ng mga bayarin ang naisip na solusyon ng pamunuan ng TV network para magpatuloy ang kanilang operasyon.

“Kung matutuloy, marami sa mga manggagawa ang maaaring mawalan ng trabaho ilang buwan lamang bago ang Pasko,” saad sa article.

Dagdag nito, ilang empleyado na ang umano ang nag-umpisa nang maghanap ng malilipatang trabaho sa pangambang kasama sila sa isasagawang tanggalan ng TV network. (IS)