WebClick Tracer

Haze mula Indonesia umabot na sa Iloilo

Pinag-iingat ang mga residente ng lalawigan ng Iloilo laban sa haze na nagmumula sa mga sunog sa kagubatan sa Indonesia.

Nagbabala ang mga awtoridad sa posibleng panganib nito sa kalusugan dahil sa maruming hangin at sa paglabo ng paningin sa kalsada.

Sa isang advisory nitong Miyerkoles, Setyembre 2, sinabi ng Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na naapektuhan ng haze ang mga bayan ng Alimodian, Miag-ao, Igbaras at Tubungan.

Pinayuhan ang mga residenteng madaling magkasakit na manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari, magsuot ng N95 o KN95 mask kapag lalabas ng bahay at uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated. (IS)