WebClick Tracer

Cayetano inakusahan si Lacson ng demolition job, trial by publicity

Inakusahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Senador Panfilo “Ping” Lacson ng demolition job at trial by publicity kaugnay ng paratang ng huli tungkol sa umano’y maanomalyang infrastructure projects sa Taguig.

Sa kanyang Facebook Live nitong Miyerkoles, Setyembre 2, sinabi ni Cayetano na unfair umano ang akusasyon na may anomalya sa Taguig, partikular sa flood control projects.

“Tahasang ko pong sinasabi na si Senator Panfilo Lacson ay gumagawa ng isang demolition job, ng isang trial by publicity, at isa pong witch hunt sa siyudad ng Taguig,” pahayag ni Cayetano.

“Wala pong problema na ako-akusahan niya, public official po ako, pero po i-link niya sa Taguig at sa akin lahat ng projects, lahat na po ng titulo doon. It’s not only po unfair, but simple lang eh, if he cannot convince people, he will try to confuse people,”’ dagdag pa niya.

Gayunpaman, sinabi ni Cayetano na wala siyang galit kay Lacson at iginiit na isa-isa niyang sasagutin ang akusasyon sa tamang venue.

“We will hate the sin but love the sinner. So wala pong galit, wala pong hate akong tinatapon kay Senator Lacson. Number two po, we will give clarity rather than confusion. So iisa-isahin natin yan sa tamang venue,” sambit pa ni Cayetano.

Sa panig naman ni Lacson, sinabi niyang lahat ng ebidensiya tungkol sa mga proyekto sa Taguig ay naisumite na sa Office of the Ombudsman.

“All the pieces of evidence that we have so far gathered are already with the Ombudsman. We will continue our efforts without let up and support the Ombudsman in this regard,” sabi ni Lacson sa kanyang text message sa mga reporter. (Dindo Matining)