WebClick Tracer

Barbie Forteza plakado bilang babaeng takam sa romansa

Nakakaloka si Barbie Forteza, ha!

Kakaibang Barbie nga ang napanood namin, na pinagsama-sama ang husay sa pagpapaiyak, pagpapatawa.

Yes, saludo nga ang lahat ng nanood ng ‘Saving Cherry’ sa performance ni Barbie, na nagawa nga niyang patawanin nang husto ang mga faney, na sinabayan din ng paghagulgol.

Ang daming moment ni Barbie na papalit-palit ang reaksiyon niya sa isang eksena, na tumatawa siya, pero bigla na lang lumuluha.

At yes, ito nga ang kauna-unahang pelikula ni Barbie na sobrang mature na ang galawan niya, lalo na ang mga lumalabas sa bibig niya.

Sa pelikulang ‘Saving Cherry’ mo nga makikita si Barbie na nagi-imagine ng tungkol sa mga lalaki, at tila takam na takam sa s*x, ha!

Papel ng isang babaeng niloko ng mister sa mismong araw ng kanilang kasal ang ginampanan ni Barbie. Na sa gabi ng kanilang honeymoon, nakita niya ang mister niya na nakikipagtalik sa ibang babae. Si Khalil Ramos ang mister ni Barbie sa pelikula, na wala rin akong masabi kundi napakahusay rin talaga.

Bagamat nakakatawa talaga ang pelikula, na first 10 minutes pa lang, maririnig mo na ang malalakas na halakhakan, na may kasama pang palakpakan, tatagos naman sa puso mo ang masakit na pakiramdam, lalo na kung maiisip mo ang sitwasyon ng bidang babae.

“Guys, I feel sooo attacked! Charot. Hahahaha!

“First time ko lang napanood ang pelikula. So, I guess lahat kayo ay nakikinig lahat, when I say na this is the most freeing film I’ve ever done.

“Ito ang pinaka-nakapagpalaya sa akin, na tipo ng proyekto. Buong pasasalamat ko sa Regal Entertainment, of course sa director ko si Direk Ivan (Andrew Payawal).

“At siyempre, sa lahat ng mga aktor na kasama ko sa pelikula. Maraming salamat for coming on board, and for joining in this wild ride!” sumisigaw na pahayag ni Barbie.

Anyway, nakakaloka rin ang mga kasama ni Barbie sa pelikula, na bagay na bagay nga sa kanilang mga role, ha! Hindi rin sila nagpakabog sa kahusayan ni Barbie.

Si Mikee Quintos bilang isang babae na may asawa at anak na, pero niloko pa rin ng kanyang mister.

Si AC Bonifacio na maka-Diyos, pero nasasadlak sa mga iskandalo dahil na rin sa mga kasamahan.

Si Mika Salamanca na nakakaloka, dahil ang galing-galing niya sa role niya bilang babaeng pokpok, ha!

At si Sassa Gurl, na ang sakit sa tiyan ng mga hirit.

Sabi nga ni Roselle Monteverde, prodyuser ng ‘Saving Cherry’, bilang babae ay napakaimportante sa kanya ng mensahe ng pelikula.

“Ako ay natutuwa na nagawa ito, at natutuwa ako na tinanggap ni Barbie. Kasi ewan ko, sa isip ko talaga, I’ve waited for the perfect cast na tulad nito.

“Ang tagal na nito, it’s been like 2-years, we waited…we waited for Barbie’s schedule talaga. Because, I would say, na ang ganda talaga ng timing, at bagay talaga sa kanya.

“I love this movie, na rashes pa lang natatawa na ako sa eksena ng mga magkakaibigan. Si Khalil, alam nating magaling na artista.

“Lahat talaga sila ang galing-galing! Kaya nagpapasalamat ako sa kanila na tinanggap nila ang project na ito!” lahad pa ni Roselle.

Anyway, showing na ngayon ang ‘Saving Cherry’ at sigurado ako, sangkatutak na ang mga naka-line up na block screening para dito, ha!

Bongga! (Dondon Sermino)