WebClick Tracer

Annyeonghaseyo! Gilas Pilipinas lumipad pa-South Korea

Lumipad na patungong South Korea ang Gilas Pilipinas upang lumahok sa friendly games nitong Miyerkoles, Setyembre 2.

Bahagi ito ng kanilang paghahanda sa nalalapit na title defense sa 2026 Asian Games na sasambulat sa Aichi Prefecture at Nagoya, Japan simula September 19.

Kabilang sa mga nagbahagi ng kanilang mga larawan sa biyahe sina PBA stars RJ Abarrientos at Robert Bolick, na nagpakita ng excitement ng koponan.

Bukod kina Bolick at Abarrientos, pasok sa national squad sina Justin Arana, Justine Baltazar, Sedrick Barefield, Don Trollano, Jerrick Ahanmisi, Brandon Ganuelas-Rosser, Brandon Bates at Zavier Lucero.

Iniulat namang nag-iwan umano si head coach Tim Cone ng isang spot para kay Justin Brownlee na inaasahang makakahabol sa Asiad. (IS)