WebClick Tracer

Alex Eala nilampaso si Mary Stoiana, abante sa US Open second round

Nilampaso ni Pinay tennis star Alex Eala ang Amerikanang si Mary Stoiana sa unang round ng US Open sa Louis Armstrong Stadium sa Flushing Meadows, New York nitong Miyerkoles ng umaga (oras sa Pilipinas).

Dinomina ng 21-anyos na Pilipina ang dalawang set, 6-1, 6-2, para maselyuhan ang panalo.

Aabante sa second round ng US Open si Eala, na kasalukuyang World No. 18 at seeded No. 17 sa torneo.

Makakaharap naman niya sa second round ang Ukrainian na si Oleksandra Oliynykova. (AC)