WebClick Tracer

Alex Calleja ‘nang-snatch’ ng finisher medal sa Sydney Marathon

Umiral na naman ang pagiging comedian ni Alex Calleja. Nag-flex siya ng suot nitong finisher medal sa katatapos na Sydney Marathon, na aniya’y matagumpay niyang na-snatch sa isang Pinoy na nakilahok doon.

“Ngayon lang ako naglakas loob na i-post ito! Thank you sa Sydney Marathon! Dream come true!!!” caption ni Alex sa kanyang Instagram video post nitong Setyembre 2 habang nasa likod naman niya ang sikat na Sydney Opera House ng Australia.

Aniya, nakuha niya ang suot nitong finisher medal sa isang Pinoy na nakilahok sa naturang running event.

“Alam niyo, three months ako nag-practice kung paano mang-agaw ng kuwintas. Three months ko pinraktis kung paano mang-snatch,” wika ni Alex.

Nitong Agosto 30, Linggo, ginanap ang Sydney Marathon. Nagpunta naman dito si Alex.

“Inabangan ko lang ‘yung mga tatanga-tanga, tapos inagaw ko itong medal,” biro pa nito.

“Kung sino man ang may-ari nito, nagbunga din ‘yung pinraktis kong mang-agaw ng kuwintas,” aniya pa.

Nagpasalamat naman siya sa organizer ng running event na iyon, sabay hingi ng sorry sa nabiktima niya.

“Kung sino mang Pinoy ‘yung naglalakad kahapon na inagawan ko, pasensiya na po. Kailangang-kailangan ko lang,” say pa niya.

Ang finisher medal na iyon ay ibinibigay lamang sa mga nakilahok na matagumpay na natapos ang pagtakbo sa itinakdang kilometro.

May next target pa nga ang stand-up comedian, huh!

“Doon naman ako pupunta sa Boston Marathon para mang-agaw ulit,” sabi pa ni Alex. (Jun Lopez)