WebClick Tracer

Alden Richards namangha sa mga eksena ni Barbie Forteza

Star studded ang ginanap na grand premiere night ng pelikulang ‘Saving Cherry’ na bida si Barbie Forteza.

Yes, dumagsa nga ang sangkatutak na mga artistang Kapuso, Kapamilya, ha!

Bukod nga sa mga artista na kasama sa pelikula na sina Khalil Ramos, Mikee Quintos, Mika Salamanca, AC Bonifacio, Sassa Gurl, Kokoy De Santos, Than Perez, at marami pang iba, dumating din sina Alden Richards, Alexa Ilacad, Darren Espanto, Will Ashley, Michael Sager, River Joseph, Bianca Umali, Direk Joey Reyes, Matt Lozano, Ashley Ortega, Kim Molina, at marami pang iba.

Bongga lang ni Alden, na ayaw mang-agaw ng eksena, ha! Dumating siya nang madilim na ang sinehan, at umalis din siya agad na hindi pa tapos ang movie.

Eh kasi naman, sure na sure naman kami na may pa-block screening siya para kay Barbie, na alam naman natin na super close talaga sa kanya.

Pero sa saglit na chikahan kay Alden, inamin nga niya na isa si Barbie sa mga aktres na ka-generation niya, na nilo-look up niya, dahil sa kahusayan nito.

“Sa few minutes na napanood ko, talagang she never fails us, to make us see a different kind of her in every project that she does. So, dito sa ‘Saving Cherry’ nakita ko na naman ang panibagong range niya!

“There are certain scenes na puwede mo siyang i-take ng linear, when it comes to the acting, how the lines would go. Binigyan niya ako ng fluctuation, eh!

“So, wala talaga akong masabi kay Barbie, eh. And we’re very close rin, at the same time. Parang with all the project that she has been doing, ever since she started to…like medyo nagkaroon din kasi ng Barbie revolution din kasi for the longest time.

“Nakaka-proud lang, to be able to witness this kind of project landing on her lap. And grateful din ako na marami ang nagtitiwala sa kanya na mabigyan ng mga project na tulad nito,” sabi pa ni Alden.

Anyway, marami nga pala ang nakapansin na super slim ni Alden ngayon, na ang liit ng mukha niya, at wala talaga siyang katiyan-tiyan, ha!

Inamin nga ni Alden sa akin kung ano ang sikreto, pero nakiusap siya na huwag munang ilantad, o i-off the record na lang muna.

Pero yes, bagay na bagay kay Alden ang look niya ngayon, na parang mas bumata pa siya, at mas kuminis pa lalo ang skin niya, ha!

Bongga! (Dondon Sermino)