WebClick Tracer

7 dedbol sa highway tragedy sa Zamboanga del Sur

Pito ang kumpirmadong nasawi sa malagim na aksidente sa national highway sa Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong Martes ng tanghali, Setyembre 1.

Ayon sa Dumalinao LGU, 13 iba pa ang sugatan sa insidente.

“As of 8:20 PM today, seven (7) individuals have been confirmed to have lost their lives, while thirteen (13) others, sustained injuries and are currently receiving medical attention at various healthcare facilities,” pahayag ng lokal na pamahalaan nitong Martes ng gabi.

Sa initial police report, nangyari ang insidente matapos umanong mawalan ng preno ang passenger van na mabilis ang takbo.

Tumama ito sa isang motorsiklo bago sumalpok sa isang nakaparadang wing van truck.

Patungo umanong Pagadian City ang passenger van mula sa Ipil, Zamboanga Sibugay nang mangyari ang aksidente sa Purok Maabtikon, Barangay Paglaum.

Agad na nagtungo sa lugar ang iba’t ibang emergency responders upang iligtas ang mga na-trap sa mga sasakyan. (IS)