Tila hindi nakapagtimpi ang direktor ng seryeng kinabibilangan ng aktres na si Xyriel Manabat nang mapa-comment ito ng “mine” sa isang post ng huli. Nagbabaga nga naman kasi ang alindog ng aktres dito, na maging ang ex-housemate niyang si Mika Salamanca ay napa-react naman ng “Sakin lahat ‘to?”
“She’s THAT girl.”
“August hollered, and we delivered. What a month!” caption ni Xyriel sa kanyang mga shinare na photos sa social media nitong Agosto 30.
Napuno naman ang post na iyon ng 22-years old actress ng mga komentong “wow”, “grabe”, “gorgeous”, “sobra”, “love it”, at kung ano-ano pang emojis at words of admiration mula sa kanyang celebrity friends, co-stars sa mga teleserye and followers na rin.
Sa sobrang “hot item” ng post ni Xyriel, napa-comment ang direktor ng serye nilang “Miss Behave” na si Ivan Adrew Payawal.
“Mine,” with matching flame, LOL, high five, and heart emojis.
“Yours,” reply naman sa kanya ni Xyriel, na ikinakilig naman nito.
“Huy kinilig ako [LOL emoji]. Miss you xyxy!!!” komento pa ni Direk Ivan.
Magiliw ding nire-reply-an ni Xyriel ang mga kakilala niyang humahanga sa kanyang ganda at alindog. (Jun Lopez)


