WebClick Tracer

Andrew E sunod-sunod ang sold-out concert sa US; 2027 shows nakaplano na

Sunod-sunod ang tagumpay sa box office ng US concert ng Pinoy rap icon na si Andrew E.

Mula sa Arizona na sinundan sa San Francisco California at sa pinaka-latest ay sa Texas, sold-out ang mga nabanggit na venue.

Makikita naman ang resibo sa mga IG post sa FB account ni Andrew at ng kanyang manager-wifey na si Ms. Mylene Yap-Espiritu, kung saan puno ang venue at nagsasayawan ang mga manonood.

Tuwang-tuwa nga si Mylene sa tsikahan namin sa socmed, at ikinuwento nyang happy ang kanilang producer na si Ms. Lerma Cailles owner ng Berce Enterprises na nakabase sa Amerika.

Ang nasabing producer ang nagregalo ng LV at Hermes kina Andrew at kay Mylene sa unang araw pa lang ng concert. At namigay rin ng bonus na US Dollars.

Dahil solved na solved sina Madam Lerma C. ng Berce Enterprises, tatlong concert ang ipu-produce nito kay Andrew sa 2027. Ito ay sa Houston, Chicago, Florida at Alaska.

Sey nga ni Mylene, kakatapos pa lang ng US, pinababalik na sila ng producer next year.

Lilipad naman ang team ni Andrew sa Toronto Canada para sa huling leg ng concert na ang parehong producer rin ang nagdala.

At sa October ay sa Australia naman ang show.

Samantala, pangmalakasan talaga ang produ ng Berce Enterprises. Sila lang naman ang gumastos sa concert ng mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde, Piolo Pascual, IV OF SPADES, Christopher De Leon & Tirso Cruz III, Lani Misalucha & Sofronio Vasquez at iba pang Ignacia Artists. (Rey Pumaloy)