Noong nagsabog ang langit ng kaseksihan at kagandahan, tila nasalo lahat ‘yan ng aktres na si Rhian Ramos. Perpekto ang kurbada ng kanyang katawan at nag-uumapaw pa sa sex appeal.
Sa kanyang mga social media post, good vibes din ang hatid ni Rhian. Playful rin kasi ang aktres, na mahilig sa mga trending sa TikTok.
Nitong Agosto 31, walang magawa si Rhian kaya nilaro na lang niya ang “draw a line around a watermelon”.
Gayon na lang ang pagkagulat niya na naka-perfect 100 siya na score, huh! Kaaliw!
Ano pa nga ba ang hindi kayang gawin ni Rhian? Tila nasa kanya na ang lahat! (Jun Lopez)


