WebClick Tracer

Alex Eala posibleng maging 2nd highest-paid female athlete sa mundo

Si Filipina tennis star Alex Eala habang nagpapakita ng matinding laro sa court para sa Alex Eala sa Berlin Open.

May potensiyal umanong maging ikalawang pinakamataas ang kita na babaeng atleta sa mundo pagsapit ng 2027 si Filipina tennis star Alex Eala kasunod ni American tennis star Coco Gauff.

Sa ulat ng Forbes, sinabi ni Max Eisenbud, American sports agent na dalubhasa sa tennis, malaki ang posibilidad na lalo pang lumobo ang kita ni Eala habang nagpapatuloy ang kanyang mabilis na pag-angat sa international tennis.

“I feel very confident that by 2027, she will be the second highest-paid female athlete in the world, behind Coco [Gauff],” ani Eisenbud.

Hindi lamang sa kanyang performance sa tennis court nakikita ang potensiyal ni Eala. Kasabay ng pagtaas ng kanyang ranking ay ang paglaki rin ng kanyang marketability bilang atleta.

“Given her trajectory on the court — she is currently ranked No. 18 in the world — Eala’s earning potential could be exponentially higher in the years to come,” dagdag pa sa report.

Naniniwala rin si Eisenbud na isa si Eala sa mga natatanging atletang maaaring magkaroon balang araw ng napakalaking licensing business, kung saan kikita siya ng porsiyento sa bawat produktong gagamit ng kanyang pangalan o larawan.

“It’s safe to say, in the Philippines, she just needs to be breathing. She never needs to win another tennis match. She’s crazy famous there,” saad ni Eisenbud. (IS)