Pumanaw ang 38-anyos na lalaking nag-amok at umatake sa rumespondeng pulis sa San Jose, Camarines Sur noong Agosto 22.
Ang suspek ay nagtamo ng mga tama ng bala matapos siyang paputukan ng mga kasamahang pulis ni Police Staff Sergeant Noli Miraña, na malubhang nasugatan sa insidente.
Matatandaang sa pagresponde ng mga pulis sa Barangay Calalahan, sinubukan umanong pakalmahin ang suspek ngunit bigla nitong inatake si Miraña, na nagtamo ng matinding sugat sa kamay.
Agad na dinala sa ospital ang pulis at suspek para malapatan ng lunas, habang isinailalim naman sa operasyon si Miraña at sinubukan muling ilabait ang kanyang kamay.
Pero makalipas lamang ang isang araw at tuluyan ng tinanggal muli ang kamay matapos magkaroon ng infection.
Samantala, ayon sa pinakahuling report ng pulisya, pumanaw ang suspek madaling-araw nitong Sabado, Agosto 29, habang sumasailalim sa operasyon dahil sa mga tinamong tama ng bala.
Patuloy namang nagpapagaling si Miraña matapos ang insidente, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso. (Ronilo Dagos)


