WebClick Tracer

Gilas sasabak kontra Iran para sa mahalagang panalo sa FIBA World Cup Qualifiers

Dumating na ang Gilas Pilipinas sa Mall of Asia Arena para sa kanilang sagupaan kontra Iran sa pagtatapos ng fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Matapos ang kanilang overtime win kontra Jordan noong Biyernes, hangad ng Gilas na ipagpatuloy ang momentum at itaas sa 4-4 ang kanilang kartada sa Group E.

Dahil umiinit na ang labanan para sa apat na puwesto sa World Cup, dapat manalo ang Pilipinas ngayong Linggo para manatiling abot-kamay ang World Cup spot.

May 3-4 na panalo-talo na rekord ang PH squad bago ang laban kontra Iran, na may 5-2 namang record.

Tiyak na hindi magiging madali ang laban na ito ng Gilas dahil hangad din ng Iran ang panalo matapos matalo sa New Zealand, 93-91, sa overtime noong Biyernes. (IS)