Bago pa man muling tumapak sa court ng US Open, umani na ng international spotlight si Pinay tennis star Alex Eala matapos matampok sa cover ng Sports Illustrated at Forbes.
Sa pinakabagong digital cover ng Sports Illustrated, tinawag na “Pride of the Philippines” si Eala habang tinutukan ang mabilis niyang pag-angat bilang isa sa mga umuusbong na pangalan sa mundo ng tennis.
Samantala, itinampok din siya sa Daily Cover ng Forbes, na tumalakay sa epekto ng kanyang tagumpay sa loob ng court at sa lumalaking kasikatan niya.
Dumarating ang dalawang feature ilang araw bago ang kanyang ikalawang US Open main draw appearance, kung saan siya ang No. 17 seed, ang pinakamataas niyang seeding sa isang Grand Slam.
Ito ay kasunod ng kanyang career-high WTA ranking na World No. 18. (AC)


