Kaysarap rin namang manood ng mga laban ni world tennis superstar at Pinay na si Alex Eala. Maganda na, palaban pa! Ang kanya ring taglay na kaseksihan, nakakawala ng focus sa kanyang mga nakakalaban.
Kamakailan, sa isang exhibition game bago ang actual na pagsisimula ng US Open ng WTA, nagharap ang mag-besties na sina Alex at Iva Jovic.
Matagal nang nagkakaharap ang dalawa, pero mistulang ngayon lang umamin si Iva na distracted siya sa suot ni Alex noong laban nilang iyon.
Naka-blue na uniform ang atletang Pinay, na sikat na rin sa “Eala-mania” kung tawagin.
Sa interview kay Iva after the match ay sinabi nitong, “You know, I’m trying to be serious but I’m getting a little distracted looking at Alex in that dress on the other side.
“It’s hard to focus, you know,” pag-amin ni Iva.
Sa huli, panalo pa rin si Iva, 6-3, kontra kay Alex. Pero no-bearing game lang naman ito at para lang talaga sa fans.
Marami nga rin talaga ang nagsasabing bagay na bagay kay Alex ang bago niya ngayong blue outfit. Mas lalong lumutang ang charm niya at kanyang makurba, fit na pangangatawan dahil dito.
Kung sakali, mas lalong mahihirapan ang kanyang mga susunod na makakatapat. May bagong weapon si Alex – ang kanyang kaseksihan! (Jun Lopez)


