WebClick Tracer

Zeinab Harake pinanganak para mang-akit

Heto na naman si Zeinab Harake. May bago na naman siyang hot and sexy photo na kinababaliwan ng kanyang mga follower.

Hindi naman nagdadamot ang content creator na ibuyangyang ang kanyang kaseksihan. Para sa kanya, ipinanganak talaga siya para magmaganda at mang-akit.

“Born to be on your feed,” caption ni Zeinab sa kanyang social media post nitong Agosto 27.

Naka-sexy one-piece swimsuit siya rito na kita ang kanyang pusod at tiyan, na para bang hindi pa ito nagkakaanak. Pak na pak naman siyang nag-pose in different styles sa batuhan ng island beach na iyon.

“I miss you Mrs. Parks,” komento naman dito ng kanyang mister na si Bobby Ray Parks Jr.

Na para bang nagsasabing akin ka lang, kaya sa mga kalalakihan na nakamasid sa kaseksihan ni Zeinab ay siya ang bukod na pinagpalang makasakop sa babaeng ito.

Kung si Zeinab nga naman araw-araw ang bubungad sa mata ng mga kalalakihan sa kanilang mga social media feed, laging buo ang araw nila, huh! (Jun Lopez)