WebClick Tracer

Iva Jovic kay Alex Eala: ‘Ang galing mo!’

Hinahangaan ng marami ang pagkakaibigan nina Pinay tennis star Alex Eala at American tennis player Iva Jovic.

Viral ngayon ang pagbati nina Eala at Jovic sa isa’t isa matapos ang kanilang laro sa “Stars of the Open” exhibition match sa US Open nitong Biyernes, Agosto 27 (oras sa Pilipinas).

Sey ni Jovic, “Alex, ang galing mo!” dahilan para magpalakpakan at maghiyawan ang audience.

Napalakpak din si Eala at bumawi gamit ang Slavic language.

Hindi nagpatalong bati ng Pinay kay Jovic, “Iva, dizi naj voja!”

Super happy naman ang mga netizen sa pagiging malapit ng dalawa.

“Besties learning each other’s language… I love these two so much, gosh,” saad ng isang netizen. (AM)