WebClick Tracer

Erpat nina Alex Eala, Iva Jovic nakilaro sa US Open exhibition match

Game na game ang ama ni Pinay tennis star Alex Eala na si Mike Eala na maglaro din sa US Open court!

Sumali nga si Mike “Stars of the Open” exhibition match sa US Open nitong Biyernes, Agosto 27 (oras sa Pilipinas), laban sa mag-amang Iva Jovic at Bojan Jovic.

Nakipagpalitan nga ng palo ang dalawang erpat ng mga tennis player, dahilan para mag-cheer at maaliw ang audience.

Sa huli, nanalo naman si Iva laban kay Alex, 6-3.

Hirit naman ni Alex sa laro ng kanilang mga ama, “I think our dads are at the top of the style game on the circuit. Will you guys agree?”

Samantala, tututok na si Alex sa women’s singles tournament, kung saan siya ang No. 17 seed. (AM)