WebClick Tracer

Bantay-sarado si dad! Alex Eala may ‘marriage proposal’ mula sa fan

Marami ang humahanga kay Alex Eala kaya todo bantay ang kanyang ama na si Mike Eala sa mga umaaligid sa kanya, tulad sa mga hindi inaasahang “marriage proposal”.

Viral ngayon sa social media ang ang pagluhod ng isang faney sa harap ni Alex habang nasa isang sikat na apparel store sa New York City ang Pinay tennis player.

Pabiro itong nag-aya ng kasal kay Alex dahil may props pa itong singsing.

Hindi naman napigilan ng tennis player na mapailing at magpasaklolo sa kanyang erpat.

Agad namang tumabi si Mike sa kanyang anak at nag-crossed arms na mistulang kailangan munang dumaan ng faney sa kanya bago makuha ang “oo” ni Alex.

Naaliw naman ang mga netizen at may kanya-kanyang hirit sa naturang video.

“Propose propose ka pa kay Alex. Di ka tatagos kay daddy eala hahaha”

“Find this guy for me.. I need to give him a serious warning”

“The line is LONG , he needs to go all the way to the back for Philippines Tennis Queen”

“Bro u need to make ligaw first” (AM)