WebClick Tracer

Alex Eala natalo kay Iva Jovic sa US Open exhibition match

Natalo si Pinay tennis star Alex Eala sa kay Iva Jovic sa “Stars of the Open” exhibition match ng 2026 US Open.

Wagi ang American player sa iskor na 6-3 sa laban na isinagawa sa Arthur Ashe Stadium nitong Biyernes, Agosto 28 (oras ng Pilipinas).

Isinagawa ang exhibition match bilang paghahanda ng dalawang manlalaro para sa women’s singles tournament sa susunod na linggo.

Ang mga nalikom mula sa laro ay mapupunta sa USTA Foundation.

Sa gitna ng exhibition, nakalaro rin nila ang isang batang tennis player mula sa Harlem Jr. Tennis & Education Program, habang kalaunan ay sumali rin sa court ang kanilang mga ama. (AM)