Mistulang nagkaayos na sina NBA star Jimmy Butler at ang dating girlfriend niyang si Kaitlin Nowak matapos ang matagal nilang legal battle tungkol sa custody at child support.
Sa court documents, sinabi ni Nowak na nakabuo na sila ni Butler ng isang komprehensibong parenting plan at kasalukuyan silang nakatira sa iisang bahay.
Noong 2023, nagsampa si Nowak ng kaso tungkol sa paternity at child support.
Kalaunan, kinilala si Butler bilang biological father ng kanilang tatlong anak at nagkaroon sila ng kasunduan sa child support.
Batay sa mga dokumento, nagbabayad si Butler ng $55,000 kada buwan kay Nowak, bukod pa sa $10,000 buwan-buwan para sa childcare.
Matapos ang mahigit isang taong pagtatalo, sinabi ni Nowak na inaasahan niyang tuluyang maresolba ang kanilang kaso sa loob ng 45 hanggang 60 araw. (AM)


