WebClick Tracer

Max Collins sexiest seatmate sa tanghalian

Latina ang dating. Hot momma. Tinaguriang “Queen of Reels”. Iyan si Max Collins, na isa sa mga malakas ang hatak pagdating sa pagandahan at paseksihan sa showbiz.

Halos araw-araw natin siyang napapanood, partikular sa tanghalian, dahil isa siya sa mga celebrity judge sa “Miss Q&A” segment.

Hindi siya beauty queen, pero para kay Binibining Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordoves, si Max ang pinaka-sexy niyang co-judge sa naturang gay pageant.

“The duo you can’t separate—my cutest, sexiest seatmate @maxcollinsofficial,” post ni Nicole sa kanyang social media account.

Ang mapuri ng kagaya ni Nicole, na certified kontesera, ay testament sa lakas ng kanyang appeal sa larangan ng pagandahan at paseksihan.

Kamakailan nga, marami ang nakapansin na kahawig niya ang nanalong Miss Grand International All Stars na si Vanessa Pulgarin ng Colombia.

Sinorpresa pa nga nila ang mga netizen nang mag-face off silang dalawa at mag-twinning. Walang itulak kabigin sa kagandahan nilang taglay.

Partida pa ‘yan ha, paano pa kaya kung mag-decide si Max na tuluyang pumalaot sa mga beauty pageants?

Siguradong magkakaroon ng resibo na dapat siyang hirangin na reyna ng kaseksihan at kagandahan, at hindi lang ng reels. (Jun Lopez)