WebClick Tracer

Angelica Hart walang kinakatakutan

Rosmar Tan looking on while promoting her online business and parcel wrapping offer

Hindi lang kaseksihan ang mayroon ang aktres na si Angelica Hart. Isa rin sa mga qualities niya as an artist, wala raw siyang inuurungan o kinakatakutan, huh!

Sa “Fast Talk” ni Tito Boy nitong Agosto 21 ay napa-fill in the blanks ang aktres. “Hindi lang ako sexy…”

Narito ang sagot ni Angelica:

“Hindi lang ako sexy. May puso, may pangarap, at higit sa lahat, walang kinakatakutan,” pandiinang sagot niya.

Isa si Angelica sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Tipong face card never declines.

Nag-umpisa man ang kanyang career sa paghuhubad, pinatunayan niya na she is more than a pretty and a sexy body.

Na kaya niyang umarte, magpatawa, magpaiyak. Mga katangian na kinakailangan upang maging matagumpay sa industriya.

Inamin rin ni Angelica na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Andrew Muhlach matapos ang dalawang taon na relasyon.

“Huwag kang matatakot ibigay lahat. Hindi ka nagtitira,” ayon kay Angelica sa kung ano ang natutunan niya sa pakikipagrelasyon. (Jun Lopez)