Isa na ngayong celebrity mom ang aktres na si Lovi Poe. Ngunit wala pa ring kupas ang kanyang kaseksihan at parang hindi nga raw siya nanganak.
Halos sumugal siya sa kanyang showbiz career noon nang makilala niya ang British na si Monty Blencowe. Sa kuwento niya sa latest vlog ni Karen Davila, nais lang niya noon na mamasyal ngunit ipinakilala sa kanya ng isang kaibigan si Monty.
“Una I was like, ‘ugh, I don’t wanna mingle.’ Coz I don’t wanna meet new people. I’m here to relax and be on my own,” say ni Lovi.
Ngunit nahulog ang kanyang puso sa katalinuhan nito.
“We got on really well. He was really intelligent. He got me through his brain na may abs,” pagbubunyag pa ni Lovi.
Film producer at scientist din kasi si Monty, at ngayon nga ay tatlong taon na silang kasal at may isang baby girl.
“There’s no one like him. He thinks differently and I really respect that, his principles and values. He’s very straightforward, he’s honest, and he’s gonna tell you how it is.
“He puts me in my place when I have to be, and that’s important,” paglalarawan pa ni Lovi sa lalakihang bumihag sa kanya. (Jun Lopez)


