Enjoy sa isang beach getaway sa El Nido, Palawan ang aktres na si Maxene Magalona dahil aniya, nahanap na niya ang kanyang “favorite playmate”.
Kasama nga ni Maxene sa mala-paraisong lugar sa Pilipinas ang dyowa niya ngayon na DJ at videographer na si Geoff Gonzalez.
Dito na rin nila napiling ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang BF.
“Out of town with @outofscratch. I highly recommend finding your favorite playmate for this lifetime.
“Happy Leo season, Geoff!” pagbati pa ni Maxene sa kanyang social media post nitong Agosto 19.
Shinare ng aktres ang mga photos nila together. Kita ang kapayapaan ng loob at pagiging masaya ng dalawa sa kanilang relasyon.
Syempre pa, dahil nasa beach, may pa-flex din ng kanyang kaseksihan si Maxene. Sanay na sanay na nga ang aktres na mag-two piece, dahil dito siya mas komportable.
Sadyang mapapanganga na lang at sana all ang mga kalalakihan sa eksena ng dalawa. Lucky guy si DJ, huh! (Jun Lopez)


