WebClick Tracer

Pulis na nambugbog ng misis dinampot ng PNP

Kalaboso ang isang pulis sa kasong pang-aabuso matapos ang isinagawang operasyon ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Zamboanga del Norte.

Sa report ng IMEG, inaresto si Police Corporal Henry Torres Boquida Jr. sa Zamboanga del Norte sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004.

Inireklamo kasi ito ng kanyang asawa dahil sa physical at psychological abuse.

Nasa kustodiya na ng Rizal Municipal Police Station sa Zamboanga del Norte ang pulis.

Samantala, tiniyak naman ni IMEG Director PBGen Bonard Briton na pursigido sila sa paglilinis ng kanilang hanay at hahabulin nila ang mga pulis na may kaso.

Hinikayat din nito ang publiko na agad reklamo sa kanilang hotline ang mga tiwaling pulis sa kanyan nasasakupan. (Edwin Balasa)