WebClick Tracer

Kathryn Bernardo flinex ang fitness trainer

Ibinida ni Kathryn Bernardo ang kanyang fitness trainer para maging fit and fab.

Kamakailan naging hot topic sa social media si Kathryn matapos gulatin ang mga nanood sa Century Tuna Superbods 2024 finals dahil sa kanyang sexy dance moves.

Sa event, na-interview nina Robi Domingo at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang aktres.

Sey ng Kapamilya star, pinaghandaan niya ang kanyang pagsasayaw at pinasalamatan ang kanyang fitness trainer na si Mauro Lumba para sa kanyang pangangatawan.

“It took months of preparation ever since I did the TVC (TV commercial). I continued working out with my trainer, which is Mauro Lumba. I think he is here,” wika ni Kathryn.

“He’s been very patient as well. So shout-out to my trainer!” dagdag niya.

Sa kanyang Instagram, naglabas naman si Lumba ng appreciation post para sa shout-out ni Kathryn.

“Appreciation post for the shoutout that was heard around the metro. Thank you @bernardokath I’m Grateful to be part of your superbod journey. Thanks for the trust and for welcoming me to your team. You did an amazing job this year for Century tuna. Even with a busy schedule you still found time to prioritise your fitness! On to the next,” aniya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on